Choice
Para sa Choice pinipili ko ang tao na ito. Siya ay si Anne Pauline Tan. Siya ay isa sa mga taong natulungan na ako ng maraming beses lalong-lalo na sa mga gawain sa paaralan. Siya ay isa sa mga tao na aking tinitingala dahil sa kaniyang personalidad bilang isang magaling na lider at mabait na kaklase. Dahil sa kaniyang kagandahan (ng kalooban) at sa kaniyang personalidad mas gusto kong mapalapit sa kaniya. Napakalaki ng aking pagpapasalamat sa kaniya ngunit nahihirapan akong kausapin dahil marami man siyang ginagawa, dahil sa iba niyang kaibigan na hindi ko man masiyadong kilala o malapit sa akin, o dahil na rin kase ayaw ko makadistorbo siya upang pasalamatan siya kaya't pinili ko siya sa tao bilang aking pipiliin na choice.
Change
Pinipili ko ang tao na ito sa Change. Siya ay si Nino Mariano. Nakilala ko siya sa pagiging maangas at mayabang na para sa akin ay hindi magandang makataong personalidad. Mahilig siyang mang bully ng mga tao noong panahon pa lang bago mag pandemya. Kahit masakit man ang kaniyang nasasabi minsan sa akin hindi ko na lang to iniintindi dahil ayaw ko ng gulo at ako ay lumalayo. Ngayon man ay nagkakaintindihan man kami bilang magkakaibigan pero hindi pa rin nawawala ang kaniyang ugali nakakapanakit sa kapwa.
Chance
Para sa Chance pinipili ko ang tao na ito. Siya ay si Schon Clifford Lim. Dahil nakilala ko siya bilang isang magiting at malapit na kaibigan ngunit nung isang araw dahil sa galit na kaniyang naipon mula sa mga problema na kaniyang dinadala nadamay ako sa paglalabas niya ng galit. Tuluyan akong nasaktan sa kaniyang mga sinabi at sinabihan ko siya na hindi ko na lang ipapahayag ang aking mga opinyon din tungkol sa kaniya dahil ayaw ko mag simula ng gulo at tinaggap ko na lang ang kaniyang opinyon tungkol sa akin upang baguhin ko ang aking sarili. Nagpasalamat siya sa akin dahil hindi ako nagbahagi ng aking mga pag-iisip. Pero bilang isang sensitibo na tao ako ay naskatan dahil sa kaniyang mga kilos at gawa, gusto ko lang naman na pagsisihan niya ang kaniyang sinabi. Gusto ko lang ibalik ang dati naming inosenteng pagkakaibigan.
Tandaan ang lahat ng ito ay ang aking opinyon lamang kaya't sana naman ay iyong irespeto at wag nang ipagka-alam sa iba dahil ayaw kong makasakit at masaktan dahil sa mga ito.
Salamat sa pagbabasa ng aking blog
~Kylee
No comments:
Post a Comment